ADB 시편 장 130

시편 130

ADB · 비교 · 오디오

1Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon. 2Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik. 3Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? 4Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan. 5Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako. 6Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga. 7Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob. 8At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.

일일 한도 도달

플랜을 업그레이드하여 더 높은 일일 한도로 AI 기능을 계속 사용하세요.

모든 요금제 비교 →