ADB 시편 장 121

시편 121

ADB · 비교 · 오디오

1Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo? 2Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa. 3Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip. 4Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man. 5Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan. 6Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi. 7Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa. 8Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.

일일 한도 도달

플랜을 업그레이드하여 더 높은 일일 한도로 AI 기능을 계속 사용하세요.

모든 요금제 비교 →