ADB 시편 장 129

시편 129

ADB · 비교 · 오디오

1Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel, 2Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin. 3Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal. 4Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama. 5Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion. 6Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki: 7Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan. 8Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.

일일 한도 도달

플랜을 업그레이드하여 더 높은 일일 한도로 AI 기능을 계속 사용하세요.

모든 요금제 비교 →