ADB 诗篇 章 120

诗篇 120

ADB · 比较 · Audio

1Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako. 2Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila. 3Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila? 4Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro. 5Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar! 6Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan. 7Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.

已达到每日限制

升级您的计划以继续使用 AI 功能和更高的每日限制。

比较所有套餐 →