ADB Psalm Sura 61

Psalm 61

ADB · Linganisha · Sauti

1Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios; pakinggan mo ang aking dalangin. 2Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso: patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin. 3Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan, matibay na moog sa kaaway. 4Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man: ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah) 5Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan. 6Iyong pahahabain ang buhay ng hari: Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon. 7Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob at katotohanan, upang mapalagi siya. 8Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man. Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.

Kikomo cha Kila Siku Kimefikia

Boresha mpango wako ili kuendelea na matumizi ya vipengele vya AI na mipango ya juu ya kila siku.

Linganisha mipango yote →