ADB Jeremiah 章 45

Jeremiah 45

ADB · 比較 · 音声

1Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay Baruch na anak ni Nerias, nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat sa bibig ni Jeremias, nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda na nagsasabi: 2Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa iyo, Oh Baruch: 3Iyong sinabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit; ako'y pagod sa kaaangal, at wala akong kapahingahan. 4Ganito ang sasabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, na ang aking itinayo ay aking ibabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin; at ito'y sa buong lupain. 5At ikaw baga ay humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? huwag mong hanapin; sapagka't, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng tao, sabi ng Panginoon; nguni't ang iyong buhay ay ibibigay ko sa iyo na pinakahuli sa lahat ng dakong iyong kapaparoonan.

1日の制限に達しました

プランをアップグレードして、より高い1日の制限でAI機能を使い続けてください。

すべてのプランを比較 →