ADB Job Kapitel 25

Job 25

ADB · Jämför · Ljud

1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 2Kapangyarihan at takot ay sumasa kaniya; siya'y gumagawa ng kapayapaan sa kaniyang mga mataas na dako. 3May anomang bilang ba sa kaniyang mga hukbo? At doon sa hindi sinisikatan ng kaniyang liwanag? 4Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae. 5Narito, pati ng buwan ay walang liwanag, at ang mga bituin ay hindi dalisay sa kaniyang paningin: 6Gaano pa nga kaliit ang tao, na isang uod! At ang anak ng tao, na isang uod!

Daglig gräns nådd

Uppgradera din plan för att fortsätta använda AI-funktioner med högre dagliga gränser.

Jämför alla planer →